Malabo na ang sistema ng bansa ngayon. Oo, Malabo na siya dati. Ngunit tila mas malabo na siya ngayon. Mas maraming mga bagay bagay na hindi na maipaliwanag. Mas maraming bagay na ang walang katuturan.
Kamakailan lang ay kumuha ako ng aking kauna-unahang drivier’s licence. Hindi ko alam kung pa’no nga ba talaga ang sistema dun kaya’t sunod lang ako ng sunod sa kung ano’ng sabihin sa akin nung ale sa may booth kahit na may nakapaskil na instructions sa tapat ng booth ni ate. Ayon sa instructions, kailangan kong mag-apply para sa lisensya, magbayad para sa application, magpamedical test, magpa-picture, umattend ng lecture at seminar, mag-40 item written exam, mag-actual exam, magbayad para sa processing, at maghintay. Mga simpleng hakabangin upang makakuha ng lisensya. Ngunit hindi ko raw kailangang pagdaanan ang lahat ng ‘yon dahil baguhan lang ko. Sundan ko lang daw ang instructions ni ate at makakakuha rin ako ng lisensya sa araw na iyon. Ayon sa instructions ni ate, kailangan kong magapply, magbayad, magpamedical test, magpapicture, mag-8 item exam with “assistance”, magbayad, magbayad ulit, at maghintay sa releasing ng lisensya. Nung una’y wala akong pakialam sa sistema. Maghapon akong naghintay dun kaya’t ginawa ko ang lahat upang hindi na ako kailangan pang bumalik kinabukasan. Dun ko nalaman na hindi na pala mandatory ang pagkuha ng higit 90 bahagdan ng examinasyon na sa teorya ay sumasala dun sa mga naga-apply ng lisensya ngunit hindi pa ganun ang kaalaman sa batas at tamang disiplina sa daan. Dun ko rin nalaman na yung pangatlong bayad, na ayon dun sa instructions ni ate, ay para hindi ko na kailanganin pang mag-exam. Kaya pala hindi na katakatakang marami sa mga nagmamaneho sa ating mga kalsada ay walang disiplina.
Dahil sa kakulangan sa edukaswyon, kakulangan sa moral, kakulangan sap era at kung anu pang mga plusot kaya nagiging ganito ang bansa. Hindi ko sisisihin ang gobyerno. Ang sinumang isinisisi ang lahat ng bagay sa gobyerno ay tamad at hindi nagiisip. Hindi ko sisisihin ang edukasyon. Pamana ito sa akin ng aking mga magulang at mga gurong nagsisikap upang mapabago ang mangmang na sistemang Pilipino. Hindi ko sisisihin ang simbahan. Masyado na siyang bugbog mula sa mga problemang ibinibigay sa kanya ng mundo. Ako ang may kasalanan. Kung hindi ako pumayag sa korapsyon upang mapagaan ang aking buhay, kung naging mapanuri lang ako sa sistemang nais ipatupad sa akin, marahil ay hindi ako nakadagdag sa kabulukan ng ating sistema. Ikaw rin ang may kasalanan. Kung hindi ka lang nakakabawas ng kalam ng tiyan, nakakabayad ng mga utang, nakakabili ng damit, malamang ay hindi ka tatanggapin kapalit ng konting kaalaman at disiplina. Pugad ka ng kasamaan! Wala kang kuwenta!
No comments:
Post a Comment