Alam ng lahat ng tao sa tambayan na hindi talaga ako nagsasalita sa kapampangan. Nahihirapan kasi akong ilagay sa aking sistema. Oo, nakakaintindi naman ako ng salitang iyon. Minsan nga'y tila mas marami pa akong alam na salitang kapampangan kesa dun sa mga nagkakapampangan sa'kin. Nakasanayan ko na kasing kinakausap ako sa kapampangan at sumasagot ako sa tagalog. gano'n ang aking sistema. Ngunit minsan, tila may isang anghang na pilit pumapaso sa aking dila upang ako'y magsalita ng kapampangan. Ngunit di pa rin ako nagsasalita. Sa halip, ako'y kumakanta.
May iilan akong alam na kanta sa kapampangan. Hilig kasi ng nanay ko na patugtugin ang mga C.D. niyang kompayleysyon(tama ba?) ng mga kanta'ng kapampangan; mga matatandang kantang pilit nilagyan ng bagong lasa ng bagong henerasyon. Nag-click naman ang mga ito na revival ng lumang kulturang kapampangan. Minsan, kinakanta ko ang mga kantang 'to. Ngunit paulit-ulit sila kaya nagsawa ako. Ngayon, gumagawa ako ng sarili kong bersyon ng mga sikat na kanta sa kasalukuyan. Madalas tinatawanan ako sa tambayan dahil korni daw ang mga kanta. Ngunit walang nagawa ang pagtawa nila dahil kahit papa'no ay cool naman ang mga nagagawa kong transleysion... siguro. haha. :)
Eto ang ilang linyang aking natranslate. di pa sila tapos dahil hindi ganoon karami ang nalalaman ko patungkol sa mga matalinhaga't malalalim na salita sa kapampangan. Astig kung mahuhulaan mo sila. :)
"dakal pang margarita para keka senyorita. triplian me'yng tequila ban tumapang ya ing lasa. aldukan ke ing JNB kabang sisipatan ke katawan date ku ngeni."
"mitatalanan tamu gamat at alang kamale-male, a aturuanan me ing pusu kung lugud tututng-tutu."
"sapak ya ing langit kareng batwin, at karimla na ning angin. king lawe mu mamumurit ku, o jo"
'yun lang. :)
No comments:
Post a Comment