Monday, March 2, 2009

Kutserong Walang Ulo

Pag sapit ng gabi’y malakas iihip ang hangin. May mapapadaan na kalesa. Sa una’y mabilis ang tunog ng mga paa ng kabayo. Kapag natapat na ang kalesa sa bahay ay unti-unti itong babagal. Huwag kang dudungaw sa bintana kundi’y makikita mo ang isang kutserong walang ulo at hindi siya aalis sa tapat ng inyong bahay magdamag. Paulit ulit siyang dadaan sa tapat ng inyong bahay at hindi ka nito lulubayan. Ito ang kuwento ng kutserong walang ulo.

            Noong panahon raw ng gera, may isang masipag na kutsero na magdamag ay namamasada upang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Buntis kasi ang kanyang asawa sa mga panahong iyon kaya’t kinailangan niyang magtrabah hanggang gabi para sa kanilang bagong magiging anak. Isang gabi, habang siya’y namamasada, kinailangang isugod na ang kanyang asawa sa ospital dahil manganganak na ito. Naibalita sa kanya ito ng kapwa niya kutsero na nakasalubong niya sa kanyang pamamasada. Sa sobrang kasiyaha’y iniwan niya ang kanyang pasahero upang ka’gad dumiretso sa ospital. Hindi ito nagustuhan ng kanyang pasahero na isang sundalong banyaga. Dahil dito’y binaril at pinugutan ng ulo ng sundalo ang kutsero. Mula noo’y gabi gabi nang nakakarinig ang mga tao sa kalyeng iyon ng kalesang humahangos. At kung mapapatyempo’y nagpapakita ang kutserong walang ulo.

No comments: