Nagkaroon kami ng impromptu na field trip sa fort bonifacio.
Sabi ni Krisel, isa sa mga kaklase ko, magpupunta daw kami sa army museum doon.
medyo wala ako sa mood dahil hindi ako sanay sa mga biglaang planadong bagay na ganito lalu na't wala pa akong tulog at hindi pa ako nagaalmusal.
Naisip ko na pwede naman sigurong makatulog sa bus tutal malayu-layo rin ang pupuntahan kaya't medyo ok na ako.
Tapos, ayun nakita ko na ang bus na sasakyan namin. Isang old school army service bus na bukas ang mga bintana
Walang aircon!
at hinid pa doon natapos ang aking disappointment. 30 seater yung bus, at pagkakasyahin kaming 40++ adult size passengers. resourceful kasi ang organizer nung trip.
pinauna kami sa pagsakay at nahuli yung mga officers. sila ang nakatayo.
So, ayun, nakaupo na ako. inisip ko na pwede nang matulog kahit na hanggang sa may ilalim lang ng balikat ang abot ng sandalan.
At dun nagsimula ang kalbaryo.
medyo kaskasero kasi yung driver at wala siyang sinasantong liko kaya somwhere along the trip, sa isang underpass sa may katipunan, gumasgas ang bus sa isang poste. marahil kung wala yung posteng yun ay tumaob na yung bus at nagpagulong-gulong patungo sa kabilang linya. siyempre halos lahat sa mga nakasakay ay ROTC students kaya parang deadma lang yung iba at ang mga CWTS students lang ang mga nagingay at sumigaw. Bilib naman din ako sa driver dahil parang wala lang nangyari. dedma rin. dahil doon, gising ako the whole trip. kinahapunan, nagkaroon pa kami ng swiming training kaya't kauwi ko'y lasing ako sa kapaguran: tipong lasing na mahilu-hilo pero hindi lasing. at ganyan ko pinagdiwang ang araw ng mga puso. ang saya!
No comments:
Post a Comment