Monday, February 23, 2009

Mario sa Makiling

Narito ang ilan sa mga bagay na hindi ko malilimutan sa aming camping.

Mario: yan ang binansag sa’kin ng mga kaklase ko sa Mil. Sci. Integ. dahil sa aking pulang sombrero na suot nung kami’y nagte-trekking sa Mt. Makiling. Medyo pabibo ako nun kaya napagdiskitahan ako ni Ariane at sinabing ako daw si Mario ng Mario bros. Mangyari din kasi na ang buddy ko sa trekking na si Carlo ay nakagreen, medyo payat at medyo matangkad sa akin. So parang Mario Bros. daw kami. Si Ariane ang group leader namin. M.E. major. Isang bully na babae na umubos ng mansanas ko. Siya ang nakasira nung emergency lamp ko. Dito nakuha ang quote na “some things are meant to be broken” Siya rin ang cook ng grupo. Si Carlo naman ay isang frat man na Socio major. Kasama ni Ted, kami ang mga nagga-gaguhan sa trekking. Napauso naming ang “mag-ingat sa tinik” sa trail. Hindi ko alam kung pa’no nagsimula yun at kung literal lang ang ibig sabihin nun basta habang nagte-trek, wala kaming tigil sa pagsabi nung mga katagang iyon sa aming mga kasama. Si Ted naman ay kapwa ko C.E. Major. Siya ang negosyante sa grupo. Nagpapa-load kasi siya kaya iyon. Nili-link siya kay Krisel dahil madalas niya siyang samahan. Si Krisel ang photographer ng grupo. Siya lang kasi ang nagdala ng camera. Hindi na niya natapos ang camp dahil kinailangan niyang makabalik ka’gad ng U.P. para mag-exam. Kaibigan niya si Sharlene. Si Sharlene ang assistant ni Ariane. Sa pagha-handa ng pagkain, siya at si Emerald madalas ang tumutulong kay Ariane. Sila rin ang tagasaing. Si Emerald naman ay Pol. Sci. major na katulong din ni Ariane sa pagluluto. Binansagan siyang asexual nila Gelo at Ariane dahil ayaw nitong mag-share sa kanyang love life. Si Gelo naman na Math Major ang entertainer ng grupo. Siya ang nagdala ng cards na nagagamit ng grupo tuwing turtle time na idle time na nag-ugat sa lack of punctuality ng mga organizers. Siya ang nagpasimula ng kung anu-anong kalokohan at pagkapasaway sa trekking na kanyang tinawag na Gelo in the Jungle. Siya ang buddy ni Law. Si Law ang pinakatahimik sa mga lalaki. Napagalaman namin dahil kay John ang mga sikreto ng kanyang tickler(tama ba spelling?) kung saan sumusulat siya ng mga tula at kung anu-ano. Siya ang sumiko kay John ng aksidenteng mabasa niya ang nasabing tickler. Dito nagugat ang quote na “life is a tickler” Si John na Psychology Major ang nagpasimuno ng madramang kuwentuhan nung ikalawang gabi ng camp. Siya ang pumiga ng mga kuwento ukol sa buhay buhay ng miyembro ng grupo.

Ito ang group Integ; masaya, pasaway, at matatag!

Sunday, February 22, 2009

The Last Time

The first time I fell in love was long ago.
I didn't know how to give my
 
love at all.
The next time I settled for what felt so close.
But without
 
romance, you're never gonna fall.
After everything I've learned;
Now it's finally my turn.
This is the last time I'll
 
fall... in love.
The first time we walked under that starry
 
sky,
there was a moment when everything was clear.
I didn't need to ask or even
 
wonder why, because each question is answered when your near.
and I'm wise enough to know when a
 
miracle unfolds, this is the last time i'll fall in love.
Now don't
 
hold back, just let me know.
Could i be moving much too fast or way too slow.
'Cause all of my life, I've waited for this day.
To find that once in a lifetime, this is it, I'll never be the same.
You'll never know what it's taken me to say these words.
 
And now that I've said them, they could never be enough.
As far as I can see, there's only you and only me.

This is the last time I'll fall in love.
Last time i'll fall in love.
The last time i'll fall... in love.


I'm hooked with this song ever since ever. I don't know why. probably it's because of you. probably it's because of me.

Camping sa Mt. Makiling

Day 1

Sinimulan ang araw ko ng isang haggard na exam. Exam naming sa G.E. 12. At dahil nag-cram ako sa pagre-review kagabi, kulang ako sa tulog. The whole day went just fine. Nothing unexpected na nangyari. Nariyan yung mga reminders ni Arriane, pangungumusta ni Carlo dun sa assigned na task samin, at pagkulit ko sa nanay ko na payagan akong magpalaundry sa Laundromat. Nag-grocery ako katapos ng aking exam dahil camping na mamaya at kulang pa rin ang aking mga dadalhin. Nakaplano na ang aking maghapon. Papatulong pa dapat ako sa kay Ferg na mag-grocery kaso 2:30 pa dismissal niya at masisira ang sched ko kung hihintayin ko pa siya. Di ko rin naman sigurado kung ok lang sakanya na tulungan ako.

Sa aking pago-grocery, pinilit kong alalahanin ang lahat ng kailangan kong bilhin. Nawala ko kasi yung listahan ko kaya nangangapa ako sa mga dapat kong bilhin. At dahil nga doon, umabot ng mahigit 2k ang bill ko para sa foods at mga kagamitang kakailanganin ko para sa isang 2-day-2-night camping sa Mt. Makiling.

2:30 na at on schedule pa rin ako. Nagayos ng gamit at nagbihis. Magsi-six pm na nnag makarating ako sa DMST complex kung saan naghihintay ang ibang magka-camp.  Nagkaproblema pa kasi ako dun sa 5-gal na tubig na binili ko dahil sinisingil ako ng 250 pesos para dun at 500 nalang ang allowance ko for the coming days.

Sa bus, masaya ang lahat. Ako, nakadungaw sa bintana. I’m into the scenery outside though it was dark and everything was moving at a fast pace. Yung mga groupmates ko, they were playing unguy-unguyan, a game which barely caught my interest. Mayamaya, tumugtog ang kantang The Day You Said Goodnigh ng Hale. Nakakatuwa kasi sometime ago, people were busy chit-chatting nang silang lahat ay napatigil at napakanta. “to be, is all I got to be…..” back to work. Napaginteresan kong guluhin yung mga groupmates ko na nagca-card games. Lumipas muli ang oras, ako’y nakadungaw sa bintana. Nasa U.P. L.B. na kami. Ayos na ng mga gamit kadating sa camp site.

Kami ni Ted ang naasign na magset-up ng tent. Pareho daw kaming C.E. majors kaya kami daw magtayo ng tent. Gutom na kaya’t naglabas na sila ng mga tinapy at chips. Malapit lang pala yung tent nila Trish samin kaya madali ko siyang napupuntahan para hingan ng kung anu-ano.

Ayus-ayos ng mga gamit, mga damit, mga puwesto, at mga kakainin bukas. Sila Arriane, Sha, Sel, at Em ang nag-budget ng meals for the next 48 hours.

Magt-trekking daw kami bukas kaya’t kelangan ng energy and rest.

6 kami sa isang tent. Maluwang siguro kung wala ang mga braso’t balikat naming. So basically sardines kami doon. Medyo mainit din sa loob dahil nga siksikan kami. Maya maya pa’y lumamig na ng kaunti. Past 1 na ng makatulog ako. Past 3 naman ng magising ako. Kamusta naman yun.

 Day 2

Naligo ako at 3:45 am. Nasa kabundukan nga pala kami kaya ang tubig mula dun sa faucet ay mainit ng kaunti relative sa tubig sa Baguio. Ok lang, sanay na ako. Malamig! 5:00 nagsimulang magsibangon ang mga tao at magluto sila Arriane. Bugnot ang cook/leader dahil ang menu ay maling/meat loaf at walang nagdala ng kawaling pagpiprituhan. Sila Em naman at Sha, pino-problema ang kaning matakaw sa tubig. Madilim pa nang mga oras na ‘yon kaya’t may mga tagahawak at tagatutok ng flashlight sa mga nagluluto; kami iyon. Wala pa mang 12 hours at nami-miss ko na ang araw. Nakakasawang nangangapa sa dilim! Haha.

Ilang oras ang lumipas at naghanda na kami para sa trekking. Wala akong ideya sa mga slopes na dadaanan naming kaya’t cool lang. Chill ika nga. Maya maya pa’y nakarating na kami sa trekking site. Isang approx 75 degree slop na may taas na katumbas o higit pa sa taas ng Palma Hall ang naghihintay sa first stretch ng trekking. Exciting! The whole trip to the rappelling station was tense. May mga part na super nakakadulas. Ang bundok na tinahak naming ay gawa sa putik at mamasa masa kaya what do you expect? Kailangan talgang kumapit sa kung ano’ng pwedeng kapitan. Dalwang oras din kaming naglalakad sa muddy trail bago narating ang rappelling cliff. Madaming nakapila kaya naghintay kami ng higit kumulang isang oras. Lunch time! Tense pa rin ang mga tao sa grupo. Kaunting card games at minutes of fame. Kami na ang magrarappell. Hindi ko inexpect na mababa lang pala yung cliff na bababaan pero mabato. Boring pero exciting! Matapos ang rappelling a nag-trek ulit. I hour nalang at nakabalik na kami sa camp. Naging exhausting ang magahpon kaya’t relax nalang sa mga sumunod na oras. Antik invasion kaya linis muna kami ng tent. Pagpag dito, pagpag doon. After kumain at maligo’y natulog muna ang ilan, kasama ako. Magaalas kwatro palang kasi at ang next activity ay mamaya pang seven. At dahil punctual naman nga ang mga tao’y inexpect na naming na 8 na mags-start ang next activity. Magaalas sais na nag magsimula kaming maghanda for dinner. Sila Ted at John ay nag-attend dun sa session on knot tying para sa Navigation activity kinabukasan. Ako naman, naghiwa ng kung anu-ano para sa aming super corned beef dinner. Yung iba, may kanya kanyang buhay. Dinner time. Medyo nagdilim na kaya may taga-ilaw habang kumakain ang iba. Ang aking charge-by-induction emergency lamp, nasira na kaya ayun, mga flashlight nalang ginagamit. Some things were meant to be broken. Si Arriane, nakahiram ng isang malaking flashlight mula sa isang lalaking di man pala niya kilala. Adik. Siya pala nakasira nung emergency lamp ko. Haha.

Nagsimula na yung activity na singing contest. Hindi na kami sumali dahil nag-enjoy kami sa pgku-kuwentuhan tungkol sa aming mga buhay buhay. Parang question and answer portion lang. Naghalungkatan ng kung anu-anong drama sa buhay. Sinimulan ni John sa tanong na “who is your first love?” Na-weirdohan lang ako sa tanong kasi parang wala akong ganong pakialam sa mga taong di ko kaanu-ano. Maya maya pa’y naging seryoso na ang mga tanong. Life is a tickler. Buti nalang at magaan lang yung mga naging tanong sakin. Sa kabuuan, enjoy yung maghapon at magdamag. Nawala na rin kasi yung tension brought about by some misundaerstanding. Rest time na naming habang nagkakantahan pa yung ibang tao. Sa wakes ay nakatulog din ng maayos. Magaalas dose palang nang makatulog ako. Nagising ako kinabukasan ng 5 am.

 Day 3

Maaga kaming nag-ayos. Navigation daw ang next activity which would commence at nine am. Maaga dapat kaming matapos magbreafast. May exam pa kasi si Sel at susunduin siya anytime soon. Sakanya yung isang tent at kailangan na niyang isama pauwi kaya pagkabangon ng mga tao’y kinalas na naming ni Ted. Ligo ng kaunti, handa ng mga gamit, at handa na kaming mag-navigation activity. Ako ang naasign na pacer at si Ted ang navigator. Medyo mali yung pace ko at lumagpas kami sa unang station kaya’t si J-lo nalang naging pacer at ako’y paepal nalang. Maya maya pa’y nakarating na kami sa kung saan-saan. Time’s up. May namiss kaming 2 stations at din a umabot sa dalawa pa. Sayang. Sinundan kasi naming yung group nila Trish na mali pala ang pinuntahan. Maya maya, sila na ang sumusunod sa’min kaya namali din sila. Loser.

Nakabalik na kami ng tent. Naglabas ng mga tinapay at mga cup noodles at kumain ng kaunti. Any time soon, mags-swimming na kami. Kailangan naming i-cross ang isang 30m wide na pool. Isang balikan. Part daw siya ng practicals to test how long we would last pag nagkataong may ililigtas daw kaming nalulunod. Hindi lahat sa grupo ay nakakalangoy kaya kailangan namin silang i-save. Kung ano man daw grade ng saver, minus twenty dun sa ise-save. Sinwerte ako dahil hindi agad bumigay ang legs at lungs ko at natapos ko yung 60m swim nang hindi pinapawisan(duh! Haha) Lahat naman ng lumangoy sa grupo naming ay natapos. Nagkaroon lang ng kaunting problema dun sa kay Ted pero naayos naman.

Uwian na! Nag-ayos na kami ng mga gamit gamit. Nag-dismantle ng tent, nagipon ng mga kung anu-ano, at nagpulong sa “quadrangle” ng camp site. Awarding pa pala kaya naghintay pa kami roon ng mahigit trenta mminuto.

Nang pasakay na kaming mga magkaka-grupo sa bus, nagkaroon ng problema. Wala na daw space para sa buong grupo naming consisting of nine people na ma-accommodate sa isang bus lang kaya’t kinailangan kaming paghiwa-hiwalayin. Yung 3 sa unang bus. Kaming lima sa isang bus. At si Ted sa isa pang bus. Bad trip na kami ng mga oras na iyon kasi a few minutes ago, maayos na kaming nakaupo sa isa sa mga bus ng bigla kaming pinalipat. Tapos, dun sa bus na sasakyan dapat naming, pinauna pa yung isang group gayung nauna kaming pumila sa kanila. Pinagalitan pa kami nung nagde-decide kami kung sino ang sasakay saan. Pinakanakakainis pa doon, may 5 seats pang bakante yung bus kung saan kami pinasakay. Nakaupo na kami noon at paalis na yung bus ng marealize naming na bakante pa yung limang upuan sa harapan namin. Masyado kasing nagmamadali yung matandang ewan na isa sa mga “bantay” namin sa camp kaya di naging maayos yung ccordination ng mga bus. Pucha!

Stopover sa kung saan-saan.

Pasado alas diyes na ng makarating kami sa Q.C. maga-alas onse na nang makauwi ako.

Hindi na kami nakapagpaalam as a group. Madrama. Haha.

Hindi lahat ng bagay ay nagtatapos ng masaya.

Over all, nagenjoy ako sa camp. Kahit pagod, sulit naman dahil isa ito sa mga experiences ko na maikukuwento ko sa aking mga anak o sa generations na susundan nila. Hopefully.

Go CWTS Integ! The Best! :D

Thursday, February 19, 2009

kabolangan

Alas otso ng umaga.
Naglalakad ako sa may yakal papuntang eng'g.
Kabababa ko lang ng jeep noon.
Medyo bangag pa ako dahil kakatapos ko lang magreview para sa exam, gutom ako, at kulang na naman ang tulog ko.
Sabaw.
Interestingly, parang medyo malakas pandinig ko.
May dalawang taong nakaupo sa may shed. Isang lalaki at isang babae.
Naguusap sila.
Boy: Pa-cute ka talaga! (sabay ngiti)
Girl: Ikaw nga e. Tignan mo nga litaw pa gilagid mo sa pagngiti. (hahagik-gik)
B: ikaw nga o, pacute pa tawa mo! (tapos kiniliti yung babae)
May isang estudyante na nairita sa paghaharutan.
Tumingin siya sa dalawa.
Napatigil yung lalaki sa kung anumang ginawa niya.
Bigla nalang nagsalita yung estudyante.
Estudyante: Pa-cute ang ina niyo!
Bigla siyang tumakbo.
Weirdo!
Nasa elevator na ako ng Eng'g building nung nagets ko yung sinabi ng estudyante.
Bangag! haha.

Wednesday, February 18, 2009

Paranoia

I've found that that of which is of much importance to me has had me going crazy over things I can't control.

Oops I Did It Again

I got the message.

Monday, February 16, 2009

Tough 10

I'm much a loner

silently cruising through life

I've never been with that much a people

a rarety it is for me to meet such great people

thus, great importance I give to those few who passed me by my life

Here's a list of the top 10 people I met in U.P. and would always want to meet in the future.

 

My Miss Mysteria

-Kind and sweet, she’s one of the best persons I’ve ever known. Despite her stubbornness and occasional opportunism, I admire her much more than I admire cars.

 

Alcohol Allergie-c

-My saviour when my pockets are empty, she’s one of the few people I can share my wavelengths with. She’s the sister I never had though I really don’t know what that’s supposed to mean. Haha.

 

The D!

-The smallest most unbiased person I’ve ever met. Haha. Her wit, knowledge, and wisdom make her a great leader and a great adviser.

 

Buddy Brains and Beauty

-The person who helped me become part of my first family in U.P., her ate-attitude, liberated thoughts, and vanity makes for an exciting companion anytime, anywhere.

 

Tennis Tumbler

-A great drinking buddy with all the smut less videos and rocking alternative music. Plus, he’s good at sliding when playing tennis. Peace! :D

 

Sleepy Stick

-Most studious salutatorian ever! His deep thoughts are those of which not a humourless person could take.

 

Lasengga Lady

-Another great drinking buddy. When it comes to being un-innocent, she might as well be my number one. Haha. :D

 

Tita Momma

-The very person who felt like my mom is now a mom. She’s one of my guiding light when it comes to problems I can’t comprehend.

 

Korean World

-Her patience has kept me bullying her for years. I can’t live without bullying. :P

 

C.E. dept. P.R. man

-He is one of the few people who’ve made the Eng Building’s atmosphere a lot more accommodating. His personality is yet to be tested but his familiar aura has always made me feel at home at Eng.

Kudos to all of you! :P

Sunday, February 15, 2009

Araw Ng Pusong Pagod(WTF!)

Valentine's Day ng taong dalwang libo't siyam.
Nagkaroon kami ng impromptu na field trip sa fort bonifacio. 
Sabi ni Krisel, isa sa mga kaklase ko, magpupunta daw kami sa army museum doon.
medyo wala ako sa mood dahil hindi ako sanay sa mga biglaang planadong bagay na ganito lalu na't wala pa akong tulog at hindi pa ako nagaalmusal. 
Naisip ko na pwede naman sigurong makatulog sa bus tutal malayu-layo rin ang pupuntahan kaya't medyo ok na ako.
Tapos, ayun nakita ko na ang bus na sasakyan namin. Isang old school army service bus na bukas ang mga bintana
Walang aircon!
at hinid pa doon natapos ang aking disappointment. 30 seater yung bus, at pagkakasyahin kaming 40++ adult size passengers. resourceful kasi ang organizer nung trip.
pinauna kami sa pagsakay at nahuli yung mga officers. sila ang nakatayo.
So, ayun, nakaupo na ako. inisip ko na pwede nang matulog kahit na hanggang sa may ilalim lang ng balikat ang abot ng sandalan.
At dun nagsimula ang kalbaryo.
medyo kaskasero kasi yung driver at wala siyang sinasantong liko kaya somwhere along the trip, sa isang underpass sa may katipunan, gumasgas ang bus sa isang poste. marahil kung wala yung posteng yun ay tumaob na yung bus at nagpagulong-gulong patungo sa kabilang linya. siyempre halos lahat sa mga nakasakay ay ROTC students kaya parang deadma lang yung iba at ang mga CWTS students lang ang mga nagingay at sumigaw. Bilib naman din ako sa driver dahil parang wala lang nangyari. dedma rin. dahil doon, gising ako the whole trip. kinahapunan, nagkaroon pa kami ng swiming training kaya't kauwi ko'y lasing ako sa kapaguran: tipong lasing na mahilu-hilo pero hindi lasing. at ganyan ko pinagdiwang ang araw ng mga puso. ang saya!

Friday, February 13, 2009

Tuesday, February 10, 2009

Endless Ending

To that person who can't shut the hell up, please shut up!
You're one of the wittiest I know and TRUSTED who simply don't know the term confidential.
It's that big and loud MOUTH that has left me sleepless at night.
It's that obnoxious personality that has got me irrate and impatient. 
Please, SHUT UP! Else, DROP DEAD!

Monday, February 9, 2009

bi-polar

I miss you, you don't me
I think of you, you don't me
I like you, you don't me
what can I say, opposites attract!

childishness

someone took something from my wafer stick jar.
I'm not selfish but someone stole sometihng from my wafer stick jar
and I hate it when perople take things from me
especially food
I hate it when people ask for food from me especially when my supply is scarce.
I hate it when people take my food and ask permission doing so afterwards.
I hate it when people just take from my plate or from my wafer stick jar.
I'm not selfish.
I hate it.