Wednesday, January 28, 2009

Wala Lang

Palakad-lakad, paikot-ikot.

Titingin sa kawalan, biglang hihinto.

Titingin sa oras, mapapaisip, lalakad muli.

 

Ilang beses na akong nakaranas ng maiwan sa ere. Yung tipong pagpapalanuhan ang ganito tapos last minute ay biglang magbabago ang isip dahil sa kung anumang palusot.

Madalas mangyari sakin ‘to. Minsan, napapaisip ako bakit lagi nalang ako naiiwan sa ere. Marunong naman akong umintindi ng kung anumang dahilan ngunit minsan talaga’y hindi na makatarungan ang dahilan.

Sayang lang ang oras na inilalaan ko.

Muling maglalakad, paikot-ikot.

Hihinto.

Titingin sa langit, titingin sa oras.

Titingin sa kawalan.

Muling maglalakad.

No comments: