Dapat nang iwanan ang nakaraan.
Hindi naman sa dapat kalimutan.
Kundi pansamantalang iwanan
Pagkat ang nakaraan ay gumugulo sa ngayon
At ang bukas ay pinipigilan ng kahapon.
Dapat nang iwanan ang nakaraan.
Hindi naman sa dapat kalimutan.
Kundi pansamantalang iwanan
Pagkat ang nakaraan ay gumugulo sa ngayon
At ang bukas ay pinipigilan ng kahapon.
Kulang ang aking araw kung sa maghapon ay:
1. Hindi ako kumain ng junk food
2. hindi ako nakapaglakad ng mahigit dalawang kilometro ng walang pahinga.
3. hindi ako bumili ng pananghalian o hapunan sa Alice’s Carinderia
4. hindi ako naglakad sa may KNL.
5. hindi ako tinawag sa aking tunay na pangalan.
6. hindi ako tumambay sa Agu-tambayan.
7. hindi ako nanlait ng kung sino man.
8. hindi ko narinig ang humihilik naming kapitbahay.
9. hindi ako nag-laptop.
10. hindi ako nagtext.
11. hindi ako na-late sa kahit alin as mga klase ko.
12. hindi ako nag-drawing ng kotse o kahit ano pa man.
13. hindi ko suot ang aking relo’t singsing. At higit sa lahat…
14. hindi KITA nakita.
Kamusta naman?!
Palakad-lakad, paikot-ikot.
Titingin sa kawalan, biglang hihinto.
Titingin sa oras, mapapaisip, lalakad muli.
Ilang beses na akong nakaranas ng maiwan sa ere. Yung tipong pagpapalanuhan ang ganito tapos last minute ay biglang magbabago ang isip dahil sa kung anumang palusot.
Madalas mangyari sakin ‘to. Minsan, napapaisip ako bakit lagi nalang ako naiiwan sa ere. Marunong naman akong umintindi ng kung anumang dahilan ngunit minsan talaga’y hindi na makatarungan ang dahilan.
Sayang lang ang oras na inilalaan ko.
Muling maglalakad, paikot-ikot.
Hihinto.
Titingin sa langit, titingin sa oras.
Titingin sa kawalan.
Muling maglalakad.
I got drunk last night. My friend invited me to drink and I got a bit drunk last night. I can’t control myself and I got drunk last night. I do hope our guest didn’t judge me because I got drunk last night. I wasn’t able to shut my mouth because I got drunk last night. I was saying things and my friends were laughing at me because I got drunk last night. But hey, the joke’s on them though I was drunk last night.
Pag-ibig, siyang musika ng puso
‘pag tumama’y isip gulong-gulo
‘pag nariyan na’y buhay nagbabago
Lahat naloloko maging man tuso
Sa aking diwa, mukha niya’y kaparang anghel
Walang bahid nang kasalanan, walang bahid ng kalokohan.
Wari’y isang banal
Sa aking pandinig tinig niya’y umaawit
Puno ng tamis
Sa aking pandama, balat niya’y walang sinlambot
Bulak sa dalisay
Sa aking pakiramdam, tibok ng kanyang puso’y musika
Ritmong sapak sa kulay
Sa aking diwa, bumubuhay
Despit all the coldness the this january has brought, I'm all heated up. God knows why. :D