Tuesday, June 1, 2010

Turmoil

"Gumulo ang buhay ko dahil sa'yo!" kanina pa ako binabagabag ng mga salitang yan.
"Gumulo ang buhay ko dahil sa'yo!" 'di ko alam kung dapat ko bang paniwalaan, pero parang gusto ko na rin. Ang tagal ko na dapat kasing naiwasan 'to, nalampasan, pero bakit ganun? Sa tuwing malapit ko nang makamit ang kalayaan, sa tuwing malapit na kitang makalimutan, laging gumagawa ang pagkakataon ng bagay upang bumalik ang lahat, upang lalo pang tumindi, upang mapalapit pa ako lalo sa'yo.

Ayaw kong isipin na ito'y tadhana. Lalo akong nahihirapan na maka-move on pag yun ang iniisip ko. Lalo akong umaasa. Bakit nga ba ako umaasa? Ilang beses mo na rin sinabi sa'kin na wala kang nararamdaman sa'kin, na ayaw mong magkaroon tayo ng emosyonal na relasyon . Pero bakit parin ako umaasa? Ganoon na siguro ako katanga, laging umaasa sa bagay na wala, laging naghihintay sa bagay na di darating, lagi na lang. Ito nga ba yung "pagmamahal" o "kahangalan" lang?

Gusto ko nang bumitaw. Pero alam ko na di ko pa nagagawa ang kaya kong gawin. May magagawa pa ako, ngunit walang pagkakataon, o di ko makita ang pagkakataon. Sawa na rin ako sa lumilipas na pagkakataon. Kung magkaroon lang sana ulit.


"Gumulo ang buhay ko dahil sa'yo!" Hindi, ayaw ko maniwala. Sumaya nga buhay ko dahil sa'yo. Kaya siguro ayaw ko pa sumuko. Kaya di pa ako maka-move on. Kaya ayaw ko pa mag-move on. Takte yan!

No comments: