Matagalan mo kaya ito?
Maghapon lang kami sa bahay kanina. Ayaw nilang umalis dahil ayaw nilang gumastos. Gusto kong umalis dahil napakaboring nga naman sa bahay kunsaan kundi T.V. ang kausap ay ang Computer. Gusto ko sanang mamasyal. Bilang na ang mga araw na ako'y magiging malaya sa problema at mga responsibilidad kaya't habang maaga'y gusto kong gumala, lumibot, magliwaliw. Lalu na't minsan lamang sa isandaang taon nawawalan ng ginagawa ang lahat sa pamilya. Minsan lamang sa isanlibong taon yung dalawang araw magkasunod na walang gagawin, sa opisina man, sa bahay o sa skwelahan. At minsan lamang sa ilang libong taon yung magyayaya ako na mamasyal at lahat ay gustong sumama. Ako lang madalas.
Kaya't heto, maghapon na nanunuod ng T.V. o nagko-computer, o kumakain, o natutulog.
Magpahinga nalang daw muna kami sa bahay. Sabagay, ilang beses nga ba sa isang araw kung kami'y magpagod? magpuyat? magtrabaho? magaral? Magpahinga muna. Kulang pa siguro ang pahinga sa gabi. Magpahinga muna. Kulang pa siguro yung pahinga every 30 minutes sa trabaho. Hay nako!
Gusto kong mamasyal! Gusto kong lumibot! Gusto kong maglakbay. Kailan ba kasi ipinagbawal ang hindi pag-gastos sa tuwing may pupuntahan? Hay nako!
Nakadikit na ang mga puwit nila sa upuan,
ang mga likod nila sa kama,
ang mga mata nila sa T.V.
ang mga bibig nila sa kutsara
No comments:
Post a Comment