Thursday, March 5, 2009

Hail Drunkards

Hours before my exam at U.P. H.I., I was reminiscing some drunk time with a few new friends.

Watching a show at ABS-CBN while browsing at my favorite web sites, an entry from a good friend caught my attention. It was a blog which I didn't pretty much bother to comprehend until I came across a narration of sort about that night we spent with Ate Leni, Kuya Mike, Marky and Carlos. It was only a short statement but it seemingly sent my mind flashing back to that 4 hours of drunk spiritedness. 
It was a wednesday night filled with emotions and stuff. After dinner at Technohub care of Ferg, we went to a "famous" videoke bar somewhere at KNL heights; me and Anj. They were already there; Ate Leni, Kuya Mike, Marky, and Carlos. They've already had some bottles and were talking about somethings. I only had a bottle when I started feeling tipsy.Still Still, Carlos was able to persuade me on taking another bottle. Soon, everyone was bombarding anyone else a few intriguing questions. Then came an issue on sexuality brought up by one of them. Obviuosly, most of us were getting drunk because their arguement on the issue was getting someplace nowhere near sensible. Even an innocent cockroach passing by failed to escape the wrath of what was supposedly an arguement between 4 people. Everything was getting hilarious until beer stopped being served and the conversant were getting weary. We then decided to while away our tipsiness somwhere at Philcoa. 
We ordered some Batchoy, fries, and chicken. At some point, things were getting messy. Someone spilled one of the bowls of batchoy and ruined another by mixing it with a spoon filled with ketchup. Hilarious I say!
It's these times that problems are somehow whiled away by drinking; problems that are actually argued with less sensibility when analysis is overcomed by emotions and stuff. At that moment, my head was filled with nothing except the moment. Carlos getting weirdly uncomposed, ate Leni and Marky eating their one piece chicken meal, anj sipping her bowl of soup, and me, munching on some fries and laughing while looking at my side and feeling my head getting heavier. 

I looked at the time and decided, it's time to review some more. 3 more hours before the exam!

Monday, March 2, 2009

Kutserong Walang Ulo

Pag sapit ng gabi’y malakas iihip ang hangin. May mapapadaan na kalesa. Sa una’y mabilis ang tunog ng mga paa ng kabayo. Kapag natapat na ang kalesa sa bahay ay unti-unti itong babagal. Huwag kang dudungaw sa bintana kundi’y makikita mo ang isang kutserong walang ulo at hindi siya aalis sa tapat ng inyong bahay magdamag. Paulit ulit siyang dadaan sa tapat ng inyong bahay at hindi ka nito lulubayan. Ito ang kuwento ng kutserong walang ulo.

            Noong panahon raw ng gera, may isang masipag na kutsero na magdamag ay namamasada upang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Buntis kasi ang kanyang asawa sa mga panahong iyon kaya’t kinailangan niyang magtrabah hanggang gabi para sa kanilang bagong magiging anak. Isang gabi, habang siya’y namamasada, kinailangang isugod na ang kanyang asawa sa ospital dahil manganganak na ito. Naibalita sa kanya ito ng kapwa niya kutsero na nakasalubong niya sa kanyang pamamasada. Sa sobrang kasiyaha’y iniwan niya ang kanyang pasahero upang ka’gad dumiretso sa ospital. Hindi ito nagustuhan ng kanyang pasahero na isang sundalong banyaga. Dahil dito’y binaril at pinugutan ng ulo ng sundalo ang kutsero. Mula noo’y gabi gabi nang nakakarinig ang mga tao sa kalyeng iyon ng kalesang humahangos. At kung mapapatyempo’y nagpapakita ang kutserong walang ulo.

Monday, February 23, 2009

Mario sa Makiling

Narito ang ilan sa mga bagay na hindi ko malilimutan sa aming camping.

Mario: yan ang binansag sa’kin ng mga kaklase ko sa Mil. Sci. Integ. dahil sa aking pulang sombrero na suot nung kami’y nagte-trekking sa Mt. Makiling. Medyo pabibo ako nun kaya napagdiskitahan ako ni Ariane at sinabing ako daw si Mario ng Mario bros. Mangyari din kasi na ang buddy ko sa trekking na si Carlo ay nakagreen, medyo payat at medyo matangkad sa akin. So parang Mario Bros. daw kami. Si Ariane ang group leader namin. M.E. major. Isang bully na babae na umubos ng mansanas ko. Siya ang nakasira nung emergency lamp ko. Dito nakuha ang quote na “some things are meant to be broken” Siya rin ang cook ng grupo. Si Carlo naman ay isang frat man na Socio major. Kasama ni Ted, kami ang mga nagga-gaguhan sa trekking. Napauso naming ang “mag-ingat sa tinik” sa trail. Hindi ko alam kung pa’no nagsimula yun at kung literal lang ang ibig sabihin nun basta habang nagte-trek, wala kaming tigil sa pagsabi nung mga katagang iyon sa aming mga kasama. Si Ted naman ay kapwa ko C.E. Major. Siya ang negosyante sa grupo. Nagpapa-load kasi siya kaya iyon. Nili-link siya kay Krisel dahil madalas niya siyang samahan. Si Krisel ang photographer ng grupo. Siya lang kasi ang nagdala ng camera. Hindi na niya natapos ang camp dahil kinailangan niyang makabalik ka’gad ng U.P. para mag-exam. Kaibigan niya si Sharlene. Si Sharlene ang assistant ni Ariane. Sa pagha-handa ng pagkain, siya at si Emerald madalas ang tumutulong kay Ariane. Sila rin ang tagasaing. Si Emerald naman ay Pol. Sci. major na katulong din ni Ariane sa pagluluto. Binansagan siyang asexual nila Gelo at Ariane dahil ayaw nitong mag-share sa kanyang love life. Si Gelo naman na Math Major ang entertainer ng grupo. Siya ang nagdala ng cards na nagagamit ng grupo tuwing turtle time na idle time na nag-ugat sa lack of punctuality ng mga organizers. Siya ang nagpasimula ng kung anu-anong kalokohan at pagkapasaway sa trekking na kanyang tinawag na Gelo in the Jungle. Siya ang buddy ni Law. Si Law ang pinakatahimik sa mga lalaki. Napagalaman namin dahil kay John ang mga sikreto ng kanyang tickler(tama ba spelling?) kung saan sumusulat siya ng mga tula at kung anu-ano. Siya ang sumiko kay John ng aksidenteng mabasa niya ang nasabing tickler. Dito nagugat ang quote na “life is a tickler” Si John na Psychology Major ang nagpasimuno ng madramang kuwentuhan nung ikalawang gabi ng camp. Siya ang pumiga ng mga kuwento ukol sa buhay buhay ng miyembro ng grupo.

Ito ang group Integ; masaya, pasaway, at matatag!

Sunday, February 22, 2009

The Last Time

The first time I fell in love was long ago.
I didn't know how to give my
 
love at all.
The next time I settled for what felt so close.
But without
 
romance, you're never gonna fall.
After everything I've learned;
Now it's finally my turn.
This is the last time I'll
 
fall... in love.
The first time we walked under that starry
 
sky,
there was a moment when everything was clear.
I didn't need to ask or even
 
wonder why, because each question is answered when your near.
and I'm wise enough to know when a
 
miracle unfolds, this is the last time i'll fall in love.
Now don't
 
hold back, just let me know.
Could i be moving much too fast or way too slow.
'Cause all of my life, I've waited for this day.
To find that once in a lifetime, this is it, I'll never be the same.
You'll never know what it's taken me to say these words.
 
And now that I've said them, they could never be enough.
As far as I can see, there's only you and only me.

This is the last time I'll fall in love.
Last time i'll fall in love.
The last time i'll fall... in love.


I'm hooked with this song ever since ever. I don't know why. probably it's because of you. probably it's because of me.

Camping sa Mt. Makiling

Day 1

Sinimulan ang araw ko ng isang haggard na exam. Exam naming sa G.E. 12. At dahil nag-cram ako sa pagre-review kagabi, kulang ako sa tulog. The whole day went just fine. Nothing unexpected na nangyari. Nariyan yung mga reminders ni Arriane, pangungumusta ni Carlo dun sa assigned na task samin, at pagkulit ko sa nanay ko na payagan akong magpalaundry sa Laundromat. Nag-grocery ako katapos ng aking exam dahil camping na mamaya at kulang pa rin ang aking mga dadalhin. Nakaplano na ang aking maghapon. Papatulong pa dapat ako sa kay Ferg na mag-grocery kaso 2:30 pa dismissal niya at masisira ang sched ko kung hihintayin ko pa siya. Di ko rin naman sigurado kung ok lang sakanya na tulungan ako.

Sa aking pago-grocery, pinilit kong alalahanin ang lahat ng kailangan kong bilhin. Nawala ko kasi yung listahan ko kaya nangangapa ako sa mga dapat kong bilhin. At dahil nga doon, umabot ng mahigit 2k ang bill ko para sa foods at mga kagamitang kakailanganin ko para sa isang 2-day-2-night camping sa Mt. Makiling.

2:30 na at on schedule pa rin ako. Nagayos ng gamit at nagbihis. Magsi-six pm na nnag makarating ako sa DMST complex kung saan naghihintay ang ibang magka-camp.  Nagkaproblema pa kasi ako dun sa 5-gal na tubig na binili ko dahil sinisingil ako ng 250 pesos para dun at 500 nalang ang allowance ko for the coming days.

Sa bus, masaya ang lahat. Ako, nakadungaw sa bintana. I’m into the scenery outside though it was dark and everything was moving at a fast pace. Yung mga groupmates ko, they were playing unguy-unguyan, a game which barely caught my interest. Mayamaya, tumugtog ang kantang The Day You Said Goodnigh ng Hale. Nakakatuwa kasi sometime ago, people were busy chit-chatting nang silang lahat ay napatigil at napakanta. “to be, is all I got to be…..” back to work. Napaginteresan kong guluhin yung mga groupmates ko na nagca-card games. Lumipas muli ang oras, ako’y nakadungaw sa bintana. Nasa U.P. L.B. na kami. Ayos na ng mga gamit kadating sa camp site.

Kami ni Ted ang naasign na magset-up ng tent. Pareho daw kaming C.E. majors kaya kami daw magtayo ng tent. Gutom na kaya’t naglabas na sila ng mga tinapy at chips. Malapit lang pala yung tent nila Trish samin kaya madali ko siyang napupuntahan para hingan ng kung anu-ano.

Ayus-ayos ng mga gamit, mga damit, mga puwesto, at mga kakainin bukas. Sila Arriane, Sha, Sel, at Em ang nag-budget ng meals for the next 48 hours.

Magt-trekking daw kami bukas kaya’t kelangan ng energy and rest.

6 kami sa isang tent. Maluwang siguro kung wala ang mga braso’t balikat naming. So basically sardines kami doon. Medyo mainit din sa loob dahil nga siksikan kami. Maya maya pa’y lumamig na ng kaunti. Past 1 na ng makatulog ako. Past 3 naman ng magising ako. Kamusta naman yun.

 Day 2

Naligo ako at 3:45 am. Nasa kabundukan nga pala kami kaya ang tubig mula dun sa faucet ay mainit ng kaunti relative sa tubig sa Baguio. Ok lang, sanay na ako. Malamig! 5:00 nagsimulang magsibangon ang mga tao at magluto sila Arriane. Bugnot ang cook/leader dahil ang menu ay maling/meat loaf at walang nagdala ng kawaling pagpiprituhan. Sila Em naman at Sha, pino-problema ang kaning matakaw sa tubig. Madilim pa nang mga oras na ‘yon kaya’t may mga tagahawak at tagatutok ng flashlight sa mga nagluluto; kami iyon. Wala pa mang 12 hours at nami-miss ko na ang araw. Nakakasawang nangangapa sa dilim! Haha.

Ilang oras ang lumipas at naghanda na kami para sa trekking. Wala akong ideya sa mga slopes na dadaanan naming kaya’t cool lang. Chill ika nga. Maya maya pa’y nakarating na kami sa trekking site. Isang approx 75 degree slop na may taas na katumbas o higit pa sa taas ng Palma Hall ang naghihintay sa first stretch ng trekking. Exciting! The whole trip to the rappelling station was tense. May mga part na super nakakadulas. Ang bundok na tinahak naming ay gawa sa putik at mamasa masa kaya what do you expect? Kailangan talgang kumapit sa kung ano’ng pwedeng kapitan. Dalwang oras din kaming naglalakad sa muddy trail bago narating ang rappelling cliff. Madaming nakapila kaya naghintay kami ng higit kumulang isang oras. Lunch time! Tense pa rin ang mga tao sa grupo. Kaunting card games at minutes of fame. Kami na ang magrarappell. Hindi ko inexpect na mababa lang pala yung cliff na bababaan pero mabato. Boring pero exciting! Matapos ang rappelling a nag-trek ulit. I hour nalang at nakabalik na kami sa camp. Naging exhausting ang magahpon kaya’t relax nalang sa mga sumunod na oras. Antik invasion kaya linis muna kami ng tent. Pagpag dito, pagpag doon. After kumain at maligo’y natulog muna ang ilan, kasama ako. Magaalas kwatro palang kasi at ang next activity ay mamaya pang seven. At dahil punctual naman nga ang mga tao’y inexpect na naming na 8 na mags-start ang next activity. Magaalas sais na nag magsimula kaming maghanda for dinner. Sila Ted at John ay nag-attend dun sa session on knot tying para sa Navigation activity kinabukasan. Ako naman, naghiwa ng kung anu-ano para sa aming super corned beef dinner. Yung iba, may kanya kanyang buhay. Dinner time. Medyo nagdilim na kaya may taga-ilaw habang kumakain ang iba. Ang aking charge-by-induction emergency lamp, nasira na kaya ayun, mga flashlight nalang ginagamit. Some things were meant to be broken. Si Arriane, nakahiram ng isang malaking flashlight mula sa isang lalaking di man pala niya kilala. Adik. Siya pala nakasira nung emergency lamp ko. Haha.

Nagsimula na yung activity na singing contest. Hindi na kami sumali dahil nag-enjoy kami sa pgku-kuwentuhan tungkol sa aming mga buhay buhay. Parang question and answer portion lang. Naghalungkatan ng kung anu-anong drama sa buhay. Sinimulan ni John sa tanong na “who is your first love?” Na-weirdohan lang ako sa tanong kasi parang wala akong ganong pakialam sa mga taong di ko kaanu-ano. Maya maya pa’y naging seryoso na ang mga tanong. Life is a tickler. Buti nalang at magaan lang yung mga naging tanong sakin. Sa kabuuan, enjoy yung maghapon at magdamag. Nawala na rin kasi yung tension brought about by some misundaerstanding. Rest time na naming habang nagkakantahan pa yung ibang tao. Sa wakes ay nakatulog din ng maayos. Magaalas dose palang nang makatulog ako. Nagising ako kinabukasan ng 5 am.

 Day 3

Maaga kaming nag-ayos. Navigation daw ang next activity which would commence at nine am. Maaga dapat kaming matapos magbreafast. May exam pa kasi si Sel at susunduin siya anytime soon. Sakanya yung isang tent at kailangan na niyang isama pauwi kaya pagkabangon ng mga tao’y kinalas na naming ni Ted. Ligo ng kaunti, handa ng mga gamit, at handa na kaming mag-navigation activity. Ako ang naasign na pacer at si Ted ang navigator. Medyo mali yung pace ko at lumagpas kami sa unang station kaya’t si J-lo nalang naging pacer at ako’y paepal nalang. Maya maya pa’y nakarating na kami sa kung saan-saan. Time’s up. May namiss kaming 2 stations at din a umabot sa dalawa pa. Sayang. Sinundan kasi naming yung group nila Trish na mali pala ang pinuntahan. Maya maya, sila na ang sumusunod sa’min kaya namali din sila. Loser.

Nakabalik na kami ng tent. Naglabas ng mga tinapay at mga cup noodles at kumain ng kaunti. Any time soon, mags-swimming na kami. Kailangan naming i-cross ang isang 30m wide na pool. Isang balikan. Part daw siya ng practicals to test how long we would last pag nagkataong may ililigtas daw kaming nalulunod. Hindi lahat sa grupo ay nakakalangoy kaya kailangan namin silang i-save. Kung ano man daw grade ng saver, minus twenty dun sa ise-save. Sinwerte ako dahil hindi agad bumigay ang legs at lungs ko at natapos ko yung 60m swim nang hindi pinapawisan(duh! Haha) Lahat naman ng lumangoy sa grupo naming ay natapos. Nagkaroon lang ng kaunting problema dun sa kay Ted pero naayos naman.

Uwian na! Nag-ayos na kami ng mga gamit gamit. Nag-dismantle ng tent, nagipon ng mga kung anu-ano, at nagpulong sa “quadrangle” ng camp site. Awarding pa pala kaya naghintay pa kami roon ng mahigit trenta mminuto.

Nang pasakay na kaming mga magkaka-grupo sa bus, nagkaroon ng problema. Wala na daw space para sa buong grupo naming consisting of nine people na ma-accommodate sa isang bus lang kaya’t kinailangan kaming paghiwa-hiwalayin. Yung 3 sa unang bus. Kaming lima sa isang bus. At si Ted sa isa pang bus. Bad trip na kami ng mga oras na iyon kasi a few minutes ago, maayos na kaming nakaupo sa isa sa mga bus ng bigla kaming pinalipat. Tapos, dun sa bus na sasakyan dapat naming, pinauna pa yung isang group gayung nauna kaming pumila sa kanila. Pinagalitan pa kami nung nagde-decide kami kung sino ang sasakay saan. Pinakanakakainis pa doon, may 5 seats pang bakante yung bus kung saan kami pinasakay. Nakaupo na kami noon at paalis na yung bus ng marealize naming na bakante pa yung limang upuan sa harapan namin. Masyado kasing nagmamadali yung matandang ewan na isa sa mga “bantay” namin sa camp kaya di naging maayos yung ccordination ng mga bus. Pucha!

Stopover sa kung saan-saan.

Pasado alas diyes na ng makarating kami sa Q.C. maga-alas onse na nang makauwi ako.

Hindi na kami nakapagpaalam as a group. Madrama. Haha.

Hindi lahat ng bagay ay nagtatapos ng masaya.

Over all, nagenjoy ako sa camp. Kahit pagod, sulit naman dahil isa ito sa mga experiences ko na maikukuwento ko sa aking mga anak o sa generations na susundan nila. Hopefully.

Go CWTS Integ! The Best! :D

Thursday, February 19, 2009

kabolangan

Alas otso ng umaga.
Naglalakad ako sa may yakal papuntang eng'g.
Kabababa ko lang ng jeep noon.
Medyo bangag pa ako dahil kakatapos ko lang magreview para sa exam, gutom ako, at kulang na naman ang tulog ko.
Sabaw.
Interestingly, parang medyo malakas pandinig ko.
May dalawang taong nakaupo sa may shed. Isang lalaki at isang babae.
Naguusap sila.
Boy: Pa-cute ka talaga! (sabay ngiti)
Girl: Ikaw nga e. Tignan mo nga litaw pa gilagid mo sa pagngiti. (hahagik-gik)
B: ikaw nga o, pacute pa tawa mo! (tapos kiniliti yung babae)
May isang estudyante na nairita sa paghaharutan.
Tumingin siya sa dalawa.
Napatigil yung lalaki sa kung anumang ginawa niya.
Bigla nalang nagsalita yung estudyante.
Estudyante: Pa-cute ang ina niyo!
Bigla siyang tumakbo.
Weirdo!
Nasa elevator na ako ng Eng'g building nung nagets ko yung sinabi ng estudyante.
Bangag! haha.

Wednesday, February 18, 2009

Paranoia

I've found that that of which is of much importance to me has had me going crazy over things I can't control.